Simpleng lovelife lang naman ang gusto ko. Tama na sakin yung mahal ako at mahal ko siya. Yung makasama siya di man araw-araw pero siguradong may oras kami sa isa’t-isa. At syempre yung pangako namin na kahit ano ang mangyari, sa kanya lang ako at akin lang siya.
Yung tipong hindi kayo pero alagang-alaga niyo ang isa’t-isa at handang maghintay kapag pwede na.
Kunwari wala lang siya.. Pero kung may nagsabi sayo na “Uy. Sila na!”
Di mo masabi na nasasaktan ka. Wala ka nang ibang choice kundi sabihin ang pinakamahirap na mga salita: “Ha? Sila na pala?! Bagay naman din sila :) ”
Ang Crush ay nagsisimula sa Mata.
Pumapasok sa Isip..
Ayun! Dinidibdib.
At Naging Bukambibig..
Kaya naging Pagibig.
Akala mo, Sweet ako?
Akala mo, Concern ako?
Feeling mo, Miss kita?
At akala mo, Mahal kita?
Baliw! Totoo naman talaga yun. Nagduda ka pa eh Mahal naman talaga kita.
I hate you! Akala ko ba kaibigan kita?! Eh bakit mo inagaw ang mahal ko? Alam kong kaibigan kita noon pa pero tinatago mo pala ang pinakamaling sekreto mo sa akin, ang mang-agaw sa mahal ng iba! Ganyan na ba kalandi ang kaibigan ngayon? Este, hindi pala kaibigan, manggagamit. Siguro sobra na talaga ang tiwala ko sayo. Sobra na! Pero sana, wag ka nang manggulo sa bagong buhay ko sa pagmamahal kung nakuha mo na ang gusto mo. Okay?
Hindi ako Gago para lokohin ka!
Hindi ako Tanga para iwan ka!
Hindi rin ako Baliw para saktan ka!
Pero hindi naman ako Bobo para mahalin ka habang may mahal kang IBA!
Alam mo nang “PLEASE TRY AGAIN” na. Pero umaasa ka pa rin na baka may natitira pa.
Sinubukan kong maging pinakaSWEET na tao sa piling niya. Kaso, Diabetic pala siya? Kaya ayun! Naghanap ng WALANG LASA. :(

