Hindi lahat ng magbestfriend ay mananatiling bestfriend ang tingin sa isa. Darating yung time na mahuhulog at mahuhulog ka sa bestfriend mo. Kadalasan, hindi yan agad nahahalata. Magugulat ka na lang na iba na yung tingin mo sa kanya. Maiininis ka pag may kasama siyang iba, pag hindi ka niya tinitext o tinatawagan. Bigla nalang kikiligin sa simpleng bagay na ginawa niya para sayo, kahit normal niyo naman itong ginagawa dati. Mag-aasta kang magsyota kayo, pero ikaw lang ang nakakalam.
Ang mainlove sa bestfriend mo ang pinakamagandang bagay na pwedeng mangyari sayo.. yun ay kung ganoon din siya sayo. Eh pa’no kung hindi? Yun ang pinakamasaklap ang pwedeng mangyari sayo. Mas masakit pa sa makatanggap ng sinko. Isioin mo, araw-araw kayong magkasama, nagkikita, naguusap. Tapos yung titingin siya sayo at magbibigay ng isang nakakatunaw na ngiti, saya mo na, hanggang sa malaman mo yung dahilan ng ngiti niya. Kasi kinikilig siya sa iba. Tapos magkukwento siya, ikaw tukso tukso naman, pero sa totoo lang, ang sakit sakit na, yung tipong gusto mo na iuntog ang sarili mo sa pader. Baka sakaling malipat mo sa ulo mo yung sakit naramndaman mo sa puso mo. Yung nagjojoke siya ng “Mahal Kita,“ tapos hinihiling mo na mahal ka nga niya katulad nang pagmamahal mo sa kanya. Gusto mo talagang sabihin at ipagtapat na mahal mo talaga siya, pero isinasaalang-alang mo yung pag niyo kasi alam mo na hindi kailanman na hindi maging ganoon yung tingin at nararamdaman din niya sayo. Kaya tiis-tiis ka na lang. Ayaw mo siyang mahalin, pero wala.. wala ka nang magawa.
Many of us these days, have witnessed the feeling of friendzoned. You felt it, they felt it and we all felt it. Some people didn’t even knew that they will be going to that stage, the friendzoned stage. So in my opinion, here is some advice. The reason why friendzone was made in the first place because:
1. They don’t have any sexual or intimate feelings towards you but they like your company, they like the benefits of being with you, or you give them advice about everything.
2. They have known you for so long, that you might have missed a very crucial moment like, you did not kiss her when you had the chance, you did not take the initiative to hold her hand or make love with her when the opportunity presented itself, once you make the mistake of respecting her too much, that door closes and a window to friendzone land opens.
Here are some ways to prevent being friendzoned, this comes at a opportune time since you have your Acquaintance coming up, and other school activities that you can use to your advantage.
1. When you get the chance, take the risk, kiss her, hold her hand, take her to bed, sometimes it takes a little bit of persuasion and aggression to show her you really want her. Warning: When she says no, its a no. Rape is always punishable by law.
2. Don’t offer her advice, don’t be her “Guyser”, her Guy Adviser when she has a problem with another guy or whatnot.
3. Be mysterious, don’t be to obvious, make her miss you, make her need you. Law of Supply and Demand. Show your worth then increase your value by being a commodity and not a surplus. It pays to disagree with her or say no to her wants.
4. Don’t use confessions pages as an outlet. Tell her and see where the cards fall.
Speaking out of experience. I have been friendzoned before, A LOT. You still have the chance, so take it. For me, its a different situation now. So good luck and Godspeed gentlemen, may the best man win!
- You met unexpectedly. Parang himala nga e. Hindi mo talaga namalayan na magiging kaibigan mo siya o magiging bestfriend mosiya kasi at first, parang stranger lang siya sa paningin mo syempre nga, hindi pa kayo nagkakakilala. Pero nung ipinagkilala kayo ng tadhana, it was the best. Hindi lang pala para sa pagibig ang tadhana, kundi sa pagkakaibigan din.
- You knew the real him/her. Nalaman mo ang totoong siya. Yung totoong ugali niya kapag magkasama kayo. Kahit sinu-sungitan ka niya, alam mong mabait at totoong kaibigan mo talaga siya kasi you know the real him/her. Kahit may pagkaloko-loko o tanga-tanga ang kaibigan mo, iniitindi mo parin siya kasi pinapatawa ka niya at pinapasaya ang araw mo nang dahil sa kanya o sakanila. Hindi kagaya nung iba na nakikipagplastikan lang at ginagamit ka lang. Meron naman ding ibang tao na iba ang ugali nila pagdating sa kanilang pamilya, at iba naman ang ugali nila pagkasama ang kaibigan nila kasi magkaiba ang pamilya at kaibigan diba? Nararanasan mo na ba yung madaldal ka pagkasama mo ang mga kaibigan mo pero paguwi mo naman sa bahay, matahimik ka na? Marami sa atin ang nakakarelate at marami naman sa iba ay hindi kasi ang iba kasi, balanced ang ugali nila sa pagtrato ng tao, kapwa kapamilya at pagmamahal nila between family and friends. Dun sila nagpapakita ng totoong anyo pag kasama na nila ang kaibigan o ang pamilya nito. Kaya kapag magkasama kayo ng kaibigan mo, walang katapusan ang halakhakan at sayahan sa pagsasama niyo kasi kilala mo ang sarili mo at kilala niyo ang isa’t-isa at pati narin sa sariling pamilya.
- You told them your secrets and they told theirs too. Hindi lahat ng sekreto ay magiging permamenteng sekreto talaga. Sadyang gustong-gusto mo na talaga itong ibuga ang lahat sa bibig mo at alam mo kung saan mo ilalabas ang lahat, sa mga kaibigan mo! Parang ang gaan ang nararamdaman mo na sinabi mo yung sekreto mo sa kaibigan mo, except for personal secrets. Yung tipong alam mong hindi nila ipagkakalat ang sekreto mo sa iba kasi alam nilang may tiwala ka sakanila at alam rin nila na ikaw ang totoong kaibigan nila na hindi rin pinagkakalat ang mga sekreto nilang ibinuga, ibinuhos at sinabi sayo na may kasamang tiwala. Sharing secrets is fun!
- You talked about your crushes and love stories to each other. Ito ang isa sa mga da best sa pagsasamahan niyo. You talked about your crushes and your love stories. Parang kikiligin ka nga todamax kapag ito ang topic ng kaibigan mo. Ang saya-saya at sobrang gaan talaga sa feeling kapag sinabi mo yung taong gusto mo o mahal mo. At habang pinaguusapan niyo ang buhay pagibig niyo, parang kana ring nakikinig sa mga love stories napanood o binasa mong romance novels. Hindi lahat ng love stories ay may happy ending. Mararamdaman mo rin ang sakit at awa mo sa kaibigan mong nakaranas ng walang happy ending at malay mo, Ikaw rin ang makakaranas ng tinding sakit sa puso na parang inatake ka sa puso balang araw. Pero pag crushes naman o paghanga mo sa isang tao ang topic; Edi mas masaya at bongga! It’s just too fun and sweet. Together kayong ‘kilig much’ at inlove sa taong minamahal niyo. Kahit hindi man kayo siguro na magkatuluyan kayo, sige lang, go lang ng go! Nakakainspire kasi ang buhay kapag may crush kaya, Live well, as much as you like or love a person.
- You have conflicts and arguments that makes your bonds of friendship stronger. Lahat naman ng magkaibigan ay may pinagdaanang away o hindi pinagkakaintindihang away. Mapakatatag ka. Dadaan lang ito lahat ng mga problema niyo at magiging maayos ang lahat. Ang mga away ng mga magkakaibigan ay hindi permamenteng away na away na talaga, yung hindi ka na pinapansin, nagbabackstab nalang kayo at parang tinuturing niyong magkaaway na talaga kayo pero hindi na yan tama e. Baka aabot na talaga ang away niyo sa personalang buhay at mas lumalala. Pero, alam mo naman na hindi talaga permamente e kasi mamimiss mo yung pinagsamahan niyo, at mamimiss rin niya. Mamimiss mo ang lahat pag wala siya sa tabi mo at mamimiss rin niya at mamimiss rin niya ang lahat pag wala ka sa tabi niya. Nang makalipas na araw, weeks or not even a month, lahat ng away niyo ay mawawala at kinalimutan niyo. Maayos na ang lahat. Nagkabati na kayo at magkaibigan na kayo ulit like you used to be before. Sa isip ko nga, parang mas madali pang magbati ng magkaibigan kesa magshota e. Kasi hindi sila nagpapataasan ng pride pero nagpapataasan sila ng pasenya at pinapatawad nila ito sa gusto nila. I’m not against relationship pero,mas gusto ko pa yung magkaibigan na nag-aaway kasi nga, ito ay nagpapalakas ng pagsasamahan niyo sa isa’t-isa bilang magkaibigan.
- True friendship turns to true love someday. Sana nga. Lalo na’t magkaiba kayo ng kasarian ng kaibigan mo. It could possibly happend na magkakagusto ka talaga sa sarili mong kaibigan. At sa oras na marerealize mo yun, parang nangi-ngiba ang feeling mo kapag magkasama mo siya. Parang nagso-slow mo ang lahat sa tuwing tinitingnan mo siya na paulit-ulit mo 'tong ini-imagine at napatanong sa sarili na, “Ito na ba talaga?”, “Parang gusto ko na siya..”, “Kaibigan ko siya e. Ba’t ba nagkagusto ako sakanya?" at unti-unti mo ring itong marealize na kailangan mo siya, gusto mo siya palaging nasa tabi mo, gusto mo siya. The fact is, mahal mo na talaga siya. Yung mga pinagsamahan niyo, yung mga moments at mga problema at away na pinagdaanan niyo. Hindi ba yan pagibig para sayo? Pero kahit ilang taon pa ang lilipas and still, magkaibigan parin kayo.. Don’t worry, It’s just the progress of love. Love develops slowly while infatuation develops rapidly. At kung sakali balang araw, magkatuluyan kayo ng kaibigan mo, lagi mong tandaan: Ang lahat ay nagsimula sa simpleng pagkikita, simpleng pagkakilala, simpleng pagsasama at simpleng pagkakaibigan hanggang sa pagiibigan niyo hang sa huli.
You fall in love with your best friend, it doesn't mean that you guys stop being friends. It just brings more happiness for both of you.
I really want to help.
Gusto ko siyang tulungan sa mga problema niya sa buhay pagibig niya pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang payuhan at gumawa ng paraan para sa relasyon nila pero hindi ko parin magawa. Hindi kasi ako expert sa ganyang bagay. Ang lahat lang ng magawa ko sa kanya ay magcomfort at ini-encourage na lumaban sa pagsubok. Yun lang ang magawa ko e. Bakit ba? Marami na nga siyang nagawa sakin e, yun lang ang nagawa ko para sa kanya? Eh kahit ganito lang akong bestfriend sa kanya, e tinaggap niya talaga ako for who I am hindi yung mga ibang tao jan na pumipili ng kaibigan.. Kaya nga gusto kong lagi akong nasa tabi niya para malaman niyang pinapahalaga ko ang totoong kaibigan ko, bestfriend ko.
Ang sarap sa feeling kapag kayo na ng taong mahal mo. Nagkakaintidihan ang mga nararamdaman niyo sa isa’t isa. Alam niyong nagmamahalan kayo sa isa’t-isa. It may be embarrassing at first, pero proud na proud at masayang masaya sa feeling na the one you love, loves you back. Kahit ako, wala akong pake sa mga taong may gusto sa kanya kahit i-backbite pa nila ako.. wala akong pake sa mga taong nagjudge sa kanya na bakit ako ang pinili niya, minahal niya. Masaya lang talaga ako kasi sa lahat ng mga taong nakilala niya na mas masosyal, mas maganda, mas mayaman o mas better pa talaga saken, pinili niya ako at minahal. Pero kinakabahan parin ako, na dadating yung araw na iiwan niya ako.. magtatagal pa kaya kami? Hindi ko gustong mangyari yun, masakit e. Alam kong hindi lahat ng nasa akin ay magtatagal pero.. sometimes, you have to let go even if it hurts. Kaya samantalang, kasama ko pa siya sa piling ko, I’ll just enjoy my life with the person who choose to love me.
For Boys: If you really love the girl, don’t agree on breaking up unless it seems like she really doesn’t love you anymore.
For Girls: Never suggest a break up when you’re mad. You know boys are so insensitive to understand what you really mean.
Hindi kita iiwan. Hindi kita iiwan kasi mahalaga ka sa akin. Hindi kita iiwan kasi ikaw ang pinakaespesyal na taong nagiisa dito sa puso ko. Hindi kita iiwan kasi ikaw ang nagbibigay ng inspirasyon sakin, ikaw ang nagpapaliwanag sa buhay kong madilim. Hindi kita iiwan kasi mahal kita. Kahit ipagpalayo man tayo ng tadhana, nandito ka parin sa puso ko. Kahit iiwan mo ako, okay lang. Kahit kaibigan na lang tayo, okay lang. At kahit meron ka nang minamahal na ibang tao bukod sakin, okay lang. Alam ko namang may higit na hinanakit sa dibdib sa bawat salitang, “Okay lang.” pero balang araw, kahit tapos na ang lahat sa atin, hindi ko paring maiwasang tingnan o alamin ang bago sa buhay mo. Yung tipong nagbago na ako at lumalayo, pero lumilingon parin ako sayo..
Yan talaga ang mga tao ngayon e. Pag nagkagusto sila sa isang tao, feeling nila parang may gusto rin yung tao sakanila kahit simple lang ang pangyayari niyo sa isa’t isa. Yung ini-imagine mo way to far from reality. Hindi mo naman pala alam kung ano rin ang nararamdaman niya sayo e. Kaya ayun, napunta sa iyakan at sakit sa puso ang nadarama. At bigla mong napaisip mo na nagaaksaya ka lang pala ng panahon sakanya, parang lahat ng effort mong nagawa ay parang useless kasi nalaman mong hindi ka pala niya gusto. e marami namang ibang taong makikilala at mamahalin mo diba? Hindi mo naman alam na merong taong parating nandyan para sayo at nagmamahal din sayo, pero binabalewala mo lang.
