Marami sating babae ngayon e sinasaktan ang mga lalake. Yung hindi lang damdamin ang sinasaktan, kundi ang pisikal na anyo nila. Minsan, pinagtrip-tripan niyo talaga ang mga lalake. Sinusuntok-suntok niyo pa nga..sinisipa, sinampal-sampal niyo sila pagjinu-joke ka nila, hinahatak niyo pag mabagal kumilos at minsan iniinsulto mo sila kahit alam mong mao-offend sila. At marami din satin mga babae ay sinasaktan ang mga damdamin ng mga lalake. Niloloko,ginagamit,pinagtri-tripan at kung anu-ano pa kung wala kang magawa.. Ano ba sila? Punching bag para saktanin lang? Alam niyo, magkaparehas naman tayo sa mga lalake e. Patas na patas. At sa mga ginagawa niyo sa kanila, sa tingin niyo mabuti yan sa kapwa taong nasa paligid mo? Hindi na po tama yan. Bigyan niyo naman po sila ng konting respeto. May damdamin din sila, hindi sila kagaya ng isang robot na walang nararamdaman..di rin sila kasintigas ng bato ang mga puso at damdamin nila. Kung maisip niyo man na yung lahat na ginawa niyo sakanila ay isang malaking joke, para sakanila, hindi. Masakit na para sa kanila e. Hindi lahat ng lalake pinapakita ang nararamdaman. Pilit lang nila itong itago para maipakita nila sa atin na matatag sila, mapagkumbaba at nagbibigay sapat na respeto sa mga babaeng katulad natin Parang bullying na ata yung sinasaktan ng mga babae ang lalake at mga lalake ding sinasaktan ang mga babae. Hindi lahat ng mga lalake ay gago, minsan tayo rin mga babae..may pagkatanga din.
Ang mga babae hindi rin dapat sinasaktan ang mga lalake.