Hindi lahat ng magbestfriend ay mananatiling bestfriend ang tingin sa isa. Darating yung time na mahuhulog at mahuhulog ka sa bestfriend mo. Kadalasan, hindi yan agad nahahalata. Magugulat ka na lang na iba na yung tingin mo sa kanya. Maiininis ka pag may kasama siyang iba, pag hindi ka niya tinitext o tinatawagan. Bigla nalang kikiligin sa simpleng bagay na ginawa niya para sayo, kahit normal niyo naman itong ginagawa dati. Mag-aasta kang magsyota kayo, pero ikaw lang ang nakakalam.


Ang mainlove sa bestfriend mo ang pinakamagandang bagay na pwedeng mangyari sayo.. yun ay kung ganoon din siya sayo. Eh pa’no kung hindi? Yun ang pinakamasaklap ang pwedeng mangyari sayo. Mas masakit pa sa makatanggap ng sinko. Isioin mo, araw-araw kayong magkasama, nagkikita, naguusap. Tapos yung titingin siya sayo at magbibigay ng isang nakakatunaw na ngiti, saya mo na, hanggang sa malaman mo yung dahilan ng ngiti niya. Kasi kinikilig siya sa iba. Tapos magkukwento siya, ikaw tukso tukso naman, pero sa totoo lang, ang sakit sakit na, yung tipong gusto mo na iuntog ang sarili mo sa pader. Baka sakaling malipat mo sa ulo mo yung sakit naramndaman mo sa puso mo. Yung nagjojoke siya ng “Mahal Kita,“ tapos hinihiling mo na mahal ka nga niya katulad nang pagmamahal mo sa kanya. Gusto mo talagang sabihin at ipagtapat na mahal mo talaga siya, pero isinasaalang-alang mo yung pag niyo kasi alam mo na hindi kailanman na hindi maging ganoon yung tingin at nararamdaman din niya sayo. Kaya tiis-tiis ka na lang. Ayaw mo siyang mahalin, pero wala.. wala ka nang magawa.

Posted on Aug 01, 2013
Tagged: #textpost #thoughts #best friends #Tagalog long post

6 notes:

  1. freedompleaseee reblogged this from thelovelessme-blog
  2. thelovelessme-blog posted this