True best friends.
- You met unexpectedly. Parang himala nga e. Hindi mo talaga namalayan na magiging kaibigan mo siya o magiging bestfriend mosiya kasi at first, parang stranger lang siya sa paningin mo syempre nga, hindi pa kayo nagkakakilala. Pero nung ipinagkilala kayo ng tadhana, it was the best. Hindi lang pala para sa pagibig ang tadhana, kundi sa pagkakaibigan din.
- You knew the real him/her. Nalaman mo ang totoong siya. Yung totoong ugali niya kapag magkasama kayo. Kahit sinu-sungitan ka niya, alam mong mabait at totoong kaibigan mo talaga siya kasi you know the real him/her. Kahit may pagkaloko-loko o tanga-tanga ang kaibigan mo, iniitindi mo parin siya kasi pinapatawa ka niya at pinapasaya ang araw mo nang dahil sa kanya o sakanila. Hindi kagaya nung iba na nakikipagplastikan lang at ginagamit ka lang. Meron naman ding ibang tao na iba ang ugali nila pagdating sa kanilang pamilya, at iba naman ang ugali nila pagkasama ang kaibigan nila kasi magkaiba ang pamilya at kaibigan diba? Nararanasan mo na ba yung madaldal ka pagkasama mo ang mga kaibigan mo pero paguwi mo naman sa bahay, matahimik ka na? Marami sa atin ang nakakarelate at marami naman sa iba ay hindi kasi ang iba kasi, balanced ang ugali nila sa pagtrato ng tao, kapwa kapamilya at pagmamahal nila between family and friends. Dun sila nagpapakita ng totoong anyo pag kasama na nila ang kaibigan o ang pamilya nito. Kaya kapag magkasama kayo ng kaibigan mo, walang katapusan ang halakhakan at sayahan sa pagsasama niyo kasi kilala mo ang sarili mo at kilala niyo ang isa’t-isa at pati narin sa sariling pamilya.
- You told them your secrets and they told theirs too. Hindi lahat ng sekreto ay magiging permamenteng sekreto talaga. Sadyang gustong-gusto mo na talaga itong ibuga ang lahat sa bibig mo at alam mo kung saan mo ilalabas ang lahat, sa mga kaibigan mo! Parang ang gaan ang nararamdaman mo na sinabi mo yung sekreto mo sa kaibigan mo, except for personal secrets. Yung tipong alam mong hindi nila ipagkakalat ang sekreto mo sa iba kasi alam nilang may tiwala ka sakanila at alam rin nila na ikaw ang totoong kaibigan nila na hindi rin pinagkakalat ang mga sekreto nilang ibinuga, ibinuhos at sinabi sayo na may kasamang tiwala. Sharing secrets is fun!
- You talked about your crushes and love stories to each other. Ito ang isa sa mga da best sa pagsasamahan niyo. You talked about your crushes and your love stories. Parang kikiligin ka nga todamax kapag ito ang topic ng kaibigan mo. Ang saya-saya at sobrang gaan talaga sa feeling kapag sinabi mo yung taong gusto mo o mahal mo. At habang pinaguusapan niyo ang buhay pagibig niyo, parang kana ring nakikinig sa mga love stories napanood o binasa mong romance novels. Hindi lahat ng love stories ay may happy ending. Mararamdaman mo rin ang sakit at awa mo sa kaibigan mong nakaranas ng walang happy ending at malay mo, Ikaw rin ang makakaranas ng tinding sakit sa puso na parang inatake ka sa puso balang araw. Pero pag crushes naman o paghanga mo sa isang tao ang topic; Edi mas masaya at bongga! It’s just too fun and sweet. Together kayong ‘kilig much’ at inlove sa taong minamahal niyo. Kahit hindi man kayo siguro na magkatuluyan kayo, sige lang, go lang ng go! Nakakainspire kasi ang buhay kapag may crush kaya, Live well, as much as you like or love a person.
- You have conflicts and arguments that makes your bonds of friendship stronger. Lahat naman ng magkaibigan ay may pinagdaanang away o hindi pinagkakaintindihang away. Mapakatatag ka. Dadaan lang ito lahat ng mga problema niyo at magiging maayos ang lahat. Ang mga away ng mga magkakaibigan ay hindi permamenteng away na away na talaga, yung hindi ka na pinapansin, nagbabackstab nalang kayo at parang tinuturing niyong magkaaway na talaga kayo pero hindi na yan tama e. Baka aabot na talaga ang away niyo sa personalang buhay at mas lumalala. Pero, alam mo naman na hindi talaga permamente e kasi mamimiss mo yung pinagsamahan niyo, at mamimiss rin niya. Mamimiss mo ang lahat pag wala siya sa tabi mo at mamimiss rin niya at mamimiss rin niya ang lahat pag wala ka sa tabi niya. Nang makalipas na araw, weeks or not even a month, lahat ng away niyo ay mawawala at kinalimutan niyo. Maayos na ang lahat. Nagkabati na kayo at magkaibigan na kayo ulit like you used to be before. Sa isip ko nga, parang mas madali pang magbati ng magkaibigan kesa magshota e. Kasi hindi sila nagpapataasan ng pride pero nagpapataasan sila ng pasenya at pinapatawad nila ito sa gusto nila. I’m not against relationship pero,mas gusto ko pa yung magkaibigan na nag-aaway kasi nga, ito ay nagpapalakas ng pagsasamahan niyo sa isa’t-isa bilang magkaibigan.
- True friendship turns to true love someday. Sana nga. Lalo na’t magkaiba kayo ng kasarian ng kaibigan mo. It could possibly happend na magkakagusto ka talaga sa sarili mong kaibigan. At sa oras na marerealize mo yun, parang nangi-ngiba ang feeling mo kapag magkasama mo siya. Parang nagso-slow mo ang lahat sa tuwing tinitingnan mo siya na paulit-ulit mo 'tong ini-imagine at napatanong sa sarili na, “Ito na ba talaga?”, “Parang gusto ko na siya..”, “Kaibigan ko siya e. Ba’t ba nagkagusto ako sakanya?" at unti-unti mo ring itong marealize na kailangan mo siya, gusto mo siya palaging nasa tabi mo, gusto mo siya. The fact is, mahal mo na talaga siya. Yung mga pinagsamahan niyo, yung mga moments at mga problema at away na pinagdaanan niyo. Hindi ba yan pagibig para sayo? Pero kahit ilang taon pa ang lilipas and still, magkaibigan parin kayo.. Don’t worry, It’s just the progress of love. Love develops slowly while infatuation develops rapidly. At kung sakali balang araw, magkatuluyan kayo ng kaibigan mo, lagi mong tandaan: Ang lahat ay nagsimula sa simpleng pagkikita, simpleng pagkakilala, simpleng pagsasama at simpleng pagkakaibigan hanggang sa pagiibigan niyo hang sa huli.
You fall in love with your best friend, it doesn't mean that you guys stop being friends. It just brings more happiness for both of you.
Posted on Jul 07, 2013
2 notes:
thelovelessme-blog posted this
