Ang sarap sa feeling kapag kayo na ng taong mahal mo. Nagkakaintidihan ang mga nararamdaman niyo sa isa’t isa. Alam niyong nagmamahalan kayo sa isa’t-isa. It may be embarrassing at first, pero proud na proud at masayang masaya sa feeling na the one you love, loves you back. Kahit ako, wala akong pake sa mga taong may gusto sa kanya kahit i-backbite pa nila ako.. wala akong pake sa mga taong nagjudge sa kanya na bakit ako ang pinili niya, minahal niya. Masaya lang talaga ako kasi sa lahat ng mga taong nakilala niya na mas masosyal, mas maganda, mas mayaman o mas better pa talaga saken, pinili niya ako at minahal. Pero kinakabahan parin ako, na dadating yung araw na iiwan niya ako.. magtatagal pa kaya kami? Hindi ko gustong mangyari yun, masakit e. Alam kong hindi lahat ng nasa akin ay magtatagal pero.. sometimes, you have to let go even if it hurts. Kaya samantalang, kasama ko pa siya sa piling ko, I’ll just enjoy my life with the person who choose to love me.

Posted on Jun 21, 2013
Tagged: #textpost #tagalog long post #thoughts